Tourist or "visit visa". sa mga hindipo nakakaalam, ang "Visit visa" ang pinakauso ngayon sa pagpunta sa Dubai , kung saan parang turista na pupunta dun ang isang pinoy, at dun na syamaghahanap ng trabaho. usually 2 months ang limit, at kung hindi kamakakakita ng trabaho in two months, wala kang magagawa kundi umuwi na lang na bigo o kaya mag-exit, Okay sana ito, ang kaso, NAPAKARAMING pinoy na ang nasa Dubai ngayon.
At halos NAPAKARAMI na rin ang nasisira ang buhay dahil pupunta sila sa Dubai umaasang makakakita ng matinong trabaho, pero wala na pala dahil sa bawat trabahong available, 20 or more pinoys ang nag-aagawan sa iisang position. imagine,makapunta lang dun, magsasangla ng bahay o magbebenta ng kalabaw ang isangtypikal na pinoy, at paniwalang paniwala syang madali syang makakakita ng trabaho dun at mababayaran ang utang nya, pero dun na lang sa dubai nyamadidiskubre ang mapait na katotohanan.ang masama pa, halos manyakin ng mga employer dun ang magagandang pinay naaplikante; kunwari maliit lang ang offer sayo, paglabas mo ng opisina, saka ka tatawagan na may offer na mas malaki, pero may kasama ng indecentproposal.
At dahil sa sagad na kagipitan, ilang kababayan na ba natin angnapilitang lunukin ang ganitong alok?ang masama pa, malaki ang kasalanan dito ng mga kapwa natin pinoy na nasa dubai ngayon. sila yung mga nagrerecruit ng mga pinoy na gustong pumunta ng Dubai .
Dati mo silang ka-officemate, o kaya ka-barkada, na "nag-o-offer" saiyo ng visa assistance papunta dun; hindi nila sinasabi ang tutoo, hindi nila sinasabing halos napakarami nyong maghahati hati sa iisang kwarto, nanapakahirap maghanap ng matinong trabaho ngayon dun, na halos gabi gabikung makikinig ka, puro impit na iyak ng mga pinay na "napasubo" sa pagpunta sa dubai ang maririnig mo. nakakaawa.ang mga pilipino recruiters na ito, sila ang Makapili ng panahon natin ngayon. mga traydor sila. BAKIT? kasi malaki ang porsyento nila sa bawat pinoy na mapapapunta nila sa dubai . isipin mo na lang na typikcal na ibabayad mo for a visit visa ay P50k to P80k--samantalang kung tutuusin,nasa P35k lang talaga ang fees.
Pero dahil ang karaniwang pinoy ay hindi nakakaalam ng mga ganyang sistema, maniniwala na lang sila sa lahat ng sasabihin ng recruiter nilang "kaibigan.
Okay lang magpunta ng Dubai , kung dadaan ka sa isang employment recruiter sa Pinas yung Ligal at may employment contract na.
INUULIT KO, okay lang magpunta ng dubai kung bago ka pumunta dun, may job offer ka na. pero WAG na WAG kang pupunta dun on a Visit Visa.kaya kung may kaibigan ka, o kakilala, o kamag-anak, na nagbabalak magpuntasa dubai on a visit visa, please, ipadala mo rin sa kanila ang email na ito, at baka-sakaling mailigtas mo sila. sana makarating ang email na itosa lahat ng taong dapat makaalam bago mahuli ang lahat at maibayad nila saagency ang P80k nila
No comments:
Post a Comment