Wednesday, May 16, 2007

50 Pesos Isang Oras

One of my friend send me this forwarded message and desided to post it to my blog...


50 Pesos Isang Oras

Isang araw, may isang lalaking gabi na umuwi ng bahay na pagod napagod at naiinis, nang maratnan niya ang kaniyang maliit na anak nanaghihintay sa kanya sa may pintuan."Tatay, puwede po bang magtanong?" "Sige, ano yon?" tugon ng ama."Tatay, magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?" "Wala ka naroon… ba't ka ba nagtatanong pa ng ganyan, ha?" galit na sinabi ngama."Gusto ko lang po kasing malaman… sige na po, pakisabi n'yo na pokung magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?" ang paki-usapng paslit."Kung kailangan mo talagang malaman ay nakaka-50 pesos ako isangoras.""Ah," tugon ng paslit habang nakayuko at lumingon paitaas sa kanyangama upang sabihin…"Tatay, puwede po bang maka-utang sa inyo ng 25 pesos?"Lalong nagalit tuloy ang ama."Kung ang dahilan lang ng pangungutang mo ay para makabili ka ngwalang kwentang laruan o walang katuturang ibang bagay, mabuti pa…pumunta kang diretso sa kwarto mo at matulog ka na, at isipin mokung bakit ka nagiging makasarili."
"Nagpapakahirap akong magtrabaho araw-araw, wala akong panahon saganitong pambatang kalokohan."
Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid at isinara ang pinto.Naupo ang lalaki na lalong nagalit tungkol sa mga tanong ng paslit."Lintik na bata yon ah, magtatanong ng gan'un para lang makakuha ngpera."
Makalipas ang higit sa isang oras, ang lalaki ay nahimasmasan atnagsimulang mag-isip na masyado naman yata siyang naging marahas sakaniyang anak."Siguro mayroon talagang importanteng bagay siyang bibilihin sahalagang 25 pesos... Kung sa bagay, bibihira naman siyang manghinging pera, eh."Kung kaya't ang lalaki ay nagtungo sa silid ng kanyang anak atbinuksan ang pinto nito."Tulog ka na ba, Anak?" tanong niya."Hindi pa po, Tatay. Gising pa po ako." tugon ng bata."Ini-isip ko na sobra naman yata ako sa `yo kanina, eh," ang sinabing lalaki."Medyo napagod kasi ako maghapon, kung kaya't ikaw tuloy angnabalingan ko... O, heto na ang 25 pesos na hinihingi mo."Naupo kaagad ang paslit habang nakangiting kinuha ang pera atmalakas na nagsabing, "Salamat po, Tatay!"
Pagkatapos ay mayroong ina-abot ang paslit sa ilalim ng kanyangunan, at saka binunot ang mga gusut-gusot na pera"Kasi po ay kulang pa po ang pera ko kanina… Pero, ngayon po aykumpleto na po," ang tugon ng paslit."Tatay, mayroon na po akong 50 pesos ngayon… Puwede na po bangbayaran ko na lang po ang isang oras ninyo… para po… umuwi po kayong maaga bukas, …kasi po, gusto ko pong magkasabay naman po tayongkumain kahit po sana sa hapunan, eh."

Sa sinabing iyon ng kanyang anak, natigilan ang ama… dali-dali niyang niyakap ang kanyang anak!

Ipamahagi ang kuwentong ito sa mga taong nais ninyo… ngunit masmabuti pang ibahagi ninyo ang 50 pesos na halaga ng inyong panahonsa mga taong mahal ninyo.Ito ay isang munting paalala para sa inyong lahat na labis na abalasa paghahanap ng ikabubuhay.Hindi natin dapat hayaan pang makawala sa ating mga kamay ang mgaoras, nang hindi man lamang natin nabibigyan ng panahon ang mgataong malapit sa ating puso.
To the author of this message thank you very much for sharing your thought...

No comments:

PayPal Its Free Sign-up Now!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.