Thursday, July 26, 2007

Kung Pinoy si Noah...


Kung Pinoy si Noah....

...Ganito ang mangyayari sa barko. Read along...


Taong 2007 at isang ordinaryong middle class Pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang

ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking

arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan."

Ibinigay kay Noah ang "specs" ng arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah
at galit na galit siyang tinanong ng Diyos,
"Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo? "Tumugon si Noah,"Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo ."


At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman
pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang

30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.



Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng
mga gambling lords at katas ng hueteng

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation".

Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state

.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang barko



raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo
na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.

Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto". Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."

2 comments:

Philippine said...

Hi, While surfing the web, I came across your website and found it to be very information.I would like to share your website with my visitors. I was wondering if we can exchange links,please review my site http://philippinenurses.blogspot.com.

Leyte├▒o said...

ganyan kagulo ang gobyernong pilipino hehehehe

PBlogger

PayPal Its Free Sign-up Now!!!

Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.